PNP,bumuo ng special task grp para imbestigahan ang pagpatay sa mamamahayag na si Jesus Malabanan
Bumuo ang Philippine National police ng Special investigation task group para imbestigahan ang pagpatay sa mamamahayag na si Jesus “Jess ” Malabanan sa Calbayog city.
Pangungunahan ito ng Deputy Regional Director for operations ng PNP Region 8 na si Police colonel Jonathan Cabal.
Ayon kay PNP chief Police general Dionardo Carlos , magiging bahagi ng SITG Malabanan ang mga imbestigador mula sa CIDG Region 8 , Forensic group, Regional intelligence unit at Calbayog city police station.
“We understand the call of the family and different groups to expedite the investigation of the case. These requests will not fall on deaf ears. Establishing the motive of the case can help us in going to the bottom of this. We just need the cooperation of the witnesses,” –PNP Chief, General Dionardo Carlos
Batay sa inisyal na report , nanonood ng TV si Malabanan sa loob ng kanyang tindahan ng barili ng hindi nakilalang suspek.
Tumakas daw ang suspek sakay ng motorsiklo.
Agad naman daw na naglagay ng checkpoint sa mga lugar na posibleng daanan ng mga suspek.
Nirerebyu na ng mga pulis ang kuha ng CCTV sa lugar na posibleng nakakuha sa mga suspek.
Bukod dito , nakikipag-ugnayan na rin aniya ang mga awtoridad sa pamilya ng biktima sa gitna ng mga ulat na nakatanggap ng pagbabanta ang biktima bago ang insidente at para alami na rin ang iba pang posibleng anggulo sa krimen.