PNP,nakaheightened alert simula ngayong araw
Naka-heightened alert status na ang buong hanay ng Philippine National Police simula ngayong araw bilang paghahanda sa mahabang bakasyon.
Ayon kay Police Colonel Jean Fajardo, PNP Public Information Office Chief, magtatagal ang heightened alert status hanggang April 1.
Pero magtutuloy-tuloy na nakataas ang kanilang alerto dahil sa pag-iral ng “Oplan ligtas sumvac” na tatagal naman hanggang May 31.
Una nang tiniyak ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na wala silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad pero lagi sila aniyang nakahanda para sa “worst case scenario”.
Dahil dito, nakakalat na ang higit limampung libong pulis sa mga matataong lugar at areas of convergence upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga bibiyahe.
Bukod pa ito sa mahigit walumpung libong mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Metro Manila Development Authority at mga lokal na pamahalaan.