PNR San Pablo-Lucena line na isinara halos isang dekada na ang nakalipas, bubuksan na ng DOTr
Makaraan ang halos isang dekada mula nang itigil ang operasyon, pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbubukas ng Philippine National Railways San Pablo-Lucena line sa Linggo, June 26.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang muling pagbubukas ng linya na tumigil ng operasyon noong October 2013 matapos mag-collapse ang isa sa supporting structures nito, ay bahagi ng plano ng PNR na palawakin ang kanilang train service hanggang sa Region 4 para sa 2022.
Sinabi ng DOTr, na ang linya ay mahalaga sa pagbabalik ng PNR Bicol o “Bicol Express,” na nag-uugnay sa Metro Manila sa mga lalawigan sa timog katagalugan, kabilang ang Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Sorsogon.
Sa pamamagitan ng muling pagbubukas sa inter-provincial commuter service, ang oras ng biyahe sa pagitan ng San Pablo sa Laguna at Lucena sa Quezon ay mababawasan ng 30-minuto mula sa dating isang oras.
Ayon sa DOTr . . . “With the revival of the San Pablo-Lucena line, the PNR is venturing to another railway line expansion making 52 operating stations and 154 kilometers of railway serving Metro Manila, Laguna, Quezon, and Camarines Sur. It is likewise another fulfilment of the mandate given by President Rodrigo Roa Duterte to provide the Filipino people a more comfortable and convenient life through enhanced connectivity and mobility across the archipelago.”