POEA, nilinaw na 850 Filipino nurses ang kailangan ng Germany
Nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA na hindi lamang 500 kundi 850 mga Filipino nurses ang kailangan ngayon ng Germany.
Pero ayon kay Ms. Joyce Sanchez ng POEA, ang mga aplikante ay kailangan munang dumaaan sa German language training bago maisyuhan ng visa.
Bagamat walang placement o recruitment fee na hihingin sa mga applicant, nilinaw ni Sanchez na ang mga aplikante naman ang gagastos ng mga documentation fees gaya ng medical, passport at visa.
Ayon kay Sanchez, maaaring hindi pa ito ang huling job opening ng Germany para sa Pilipinas dahil mas gusto ng Germany ang mga Pinoy pagdating sa pag-aalaga sa mga pasyente.
Para sa iba pang mga detalye ay maaaring magtungo sa POEA website upang hindi mabiktima ng illegal recruitment.
“Sa mga nagnanais mag-apply, pumunta lamang sa website ng POEA, www.poea.gov.ph. Tingnan nyo lamang dun sa Job openings halimbawa gusto nyo Canada or Germany click nyo lang yun at lalabas na dun kung anu-anong mga agency ang may Job openings para sigurado po tayo”.