Police power ng gobyerno, gagmitin ni PRRD sa mga ayaw magpabakuna kontra Covid-19
Hindi mag-aatubili si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang police power ng gobyerno sa mga ayaw magpabakuna kontra COVID -19.
Sinabi ng Pangulo kailangang maobliga ang publiko na magpabakuna para makamit na ang herd immunity ng bansa kontra COVID-19 sa lalong madaling panahon.
Ayon sa Pangulo kung wala sanang suplay ng bakuna at ayaw ng isang indibidwal na magpabakuna maiintindihan niya ito subalit ibang usapin kung sapat na ang suplay pero ayaw magpabakuna.
Niliwanag ng Pangulo sa ordinaryong sitwasyon hindi nakikialam ang gobyerno sa mga desisyon ng bawat mamamayan sa kanyang buhay hangga’t walang nalalabag na batas subalit ibang ang sitwasyon ngayon dahil may Pandemya kaya karapatan ng estado na proteksiyunan ang buhay at kapakanan ng bawat mamamayan.
Inihayag ng Pangulo umaabot na sa mahigit 20 milyon ang fully vaccinated na sa Pilipinas at malayo pa na maabot ang herd immunity para makabalik na sa normal ang buhay at pamumuhay sa bansa.
Part of Pres. Duterte’s statement from latest Talk to the People:
“Now, how would do I encourage everybody to vaccination? With these welcome developments in our COVID-19 numbers, I now encourage you — those who have yet to receive the vaccines to get inoculated. Paulit-ulit kasi ‘to. We are almost pleading down on our knees, parang nakaluhod na kami nakikiusap sa taong-bayan ‘yung mga taong ayaw o hindi pa nagpabakuna at nandiyan naman ang available. If it is not yet there in your place, hindi pa dumating ‘yung mga supply, well, perfectly understood. Pero ‘yung nandiyan na at ayaw ninyo o talagang may pinag-isipan… You know, I do not want to advance this theory but under the police power of the state, everybody can be compelled to be vaccinated”.
Vic Somintac