Police visibility ngayong ‘ber’ months, mas paiigtingin ng PNP
Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang mga pulis na maging alerto at mapagmatyag sa mga pampublikong lugar ngayong simula na ng ‘ber’ months.
Ito kasi ang mga buwan na dumarami ang mga nagtutungo sa mga mall at malalaking pamilihan upang paghandaan ang mga darating na holiday.
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa dulot ng Pandemya, sinabi ni Eleazar na dapat pa ring matiyak na nasusunod ng publiko ang minimun health standard partikular sa mga mall, shopping centers at iba pang pampublikong lugar.
Maliban dito ay mananatili aniyang nakaalerto ang mga pulis laban sa mga masasamang loob gaya ng snatcher at iba pang pasaway sa lipunan lalu na sa mga malalaking pamilihan.
Ayon sa PNP Chief karaniwang tumataas ang crime incidents tuwing holiday season kaya palalakasin nila ang police visibility upang mapigilan ang anumang criminal acivities.
Hinimok ni Eleazar ang publiko na makiisa at makipagtulungan sa mga otoridad para manatiling ligtas.