Polisiya para solusyunan ang katiwalian pinaigting sa NGPA
Mas magiging epektibo na ang implementasyon at maaaring mabawasan ang katiwalian sa pagbili ng mga suplay sa mga proyekto ng gobyerno.
Yan ay kapag tuluyan nang naging batas ang isinusulong na amyenda sa Government Procurement Reform Act o NGPA.
Inendorso na sa plenaryo ng Senado ang panukala na ayon kay Senador Sonny Angara maaring mapaikli na ang proseso sa procurement ng gobyerno at maiiwasan na ang pag- aaksaya.
Batay aniya sa 2019 World Bank Analysis sa Philippine procurement data, nadiskubre na kung magpapatupad ng mas maayos na procurement strategies, maaring makatipid ng hanggang 29 percent sa lahat ng proyekto ng pamahalaan.
Meanne Corvera