Political asylum request ni suspended Cong. Teves inihirit sa Timor-Leste Supreme Court – Remulla
Ini-akyat ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr. sa Korte Suprema ng Timor-Leste ang hirit niyang political asylum sa bansa.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na inihain ni Teves ang kaniyang petisyon sa Supreme Court ng Timor- Leste si Teves makaraang ibasura ng gobyerno ng nasabing bansa ang asylum request nito.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na nananatili sa Timor-Leste si Teves dahil na-extend ang visa nito doon.
Hindi naman tiyak ni Remulla kung hanggang kalian ang extension ng visa ng mambabatas.
Inihayag pa ni Remulla na dumating sa Timor- Leste si Teves sakay ng kaniyang pribadong jet mula sa Singapore at kasama ang 13 iba pa.
Naniniwala ang kalihim na hindi papayag ang Timor-Leste na bigyan ng asylum ang isang tao na ikinukonsiderang terorista.
Moira Encina