Polusyon at Reclamation dahilan kaya mahal ang isda – Senador Villar
Isinisi ni Senador Cynthia Villar sa matinding polusyon at malawakang reclamation kaya nagmamahal ang presyo ng isda tulad ng Bangus at Galunggong.
Ayon sa Senador na Chairman ng Senate Committee on Agriculture, kakaunti na ang nahuhuling isda sa mga karagatan dahil namamatay dulot ng mga nakakaing basura tulad ng plastic.
Katunayan ania ang matinding polusyonang pangunahing problema ngayon ng may 15 kilometer na Municipal waters na malapit sa Metro manila.
Inihalimbawa nito ang nahuling mga bangus mula Butuan city at Nasipit, Agusan del Norte na nakitaan ng presensiya ng microplastics .
Nakadagdag pa aniya sa pagmahal ng isda ang ginagawang pag-aangkat ng mga fingerling dahilan kaya nagmamahal ang isda.
Bukod dito, ayon kay Villar, lumiliit ang karagatang napagkukunan ng isda dahil sa malawakang reclamation tulad ng ginagawa sa Manila bay.
Meanne Corvera