Pondo laban sa sakit na Psoriasis pinadadagdagan ng Kamara
Hiniling ni Anakalusugan Partylist Representative Ray Reyes na dagdagan ang pondo laban sa sakit na Psoriasis.
Sinabi ng mambabatas na ilagay na lang sa Psoriasis treatment ng Department of Health o DOH ang kuwestiyonableng advertisement fund ng PCSO na nagkakahalaga ng 340 million pesos na lumutang sa budget deliberations ng Kamara.
Lumabas sa report ng Psoriasis Philippines na karamihan sa mga tinatamaan ng sakit na Psoriasis ay mga mahihirap na mamamayan na halos hindi kaya ang pagpapagamot dahil masyadong mahal ang proseso ng gamutan.
Batay record ng DOH tinatayang nasa 1.8 million na mga Pinoy ang may sakit na Psoriasis na isang medical condition sa balat.
Inihayag ng Kongresista na inihain niya ang House Bill 1106 o National Integrated Program to prevent and cure Psoriasis upang matulungan ang mga tinamaan ng sakit.
Vic Somintac