Pondo ng mga OFW pinangangambahang malustay kapag inaprubahan ang panukalang magtatag ng Dept. of OFWs
Nangangamba si Senate Minority leader Franklin Drilon na maubos ang 19 billion trust fund ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) oras na aprubahan ang panukalang pagbuo ng Department of OFW.
Sa isinusulong kasing panukalang batas, mapapasama na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na syang humahawak sa pondo ng mga Pinoy workers.
Taun-taon ang OWWA ay may 19.4 billion na trust fund na tinatayang lolobo pa sa 40 billion sa susunod na sampung taon.
Bahagi ito ng kontribusyon ng mga Pinoy workers tulad ng kontribusyon mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) na nagagamit na assistance sa mga OFWs.
Hinala ni Drilon ito ang pinag-iinteresan ng mga nagsusulong para magtatag pa ng hiwalay na departamento at maaring lustayin ng mga tiwaling pulitiko.
Iginiit ng Senador na wala namang magbabago sa kasalukuyang mandato ng OWWA o iba pang sangay na nangangasiwa sa mga mangagawang Pinoy.
Ulat ni Meanne Corvera