Pondo ng NTF – ELCAC , dinagdagan na sa BICAM version ng 2022 national budget
Dinagdagan ng Bicameral Conference Committee ang panukalang budget ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.
16 billion pesos ang inaprubahang pondo ng BICAM mas mataas sa 10 billion pesos na unang pinagtibay ng Senado.
Si Senador Ronald bato Dela rosa ang umapila sa mga kasamahan para maitaas ang budget ng anti-insurgency task force.
Ayon kay Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate finance committee, 95 percent ng budget ay nakalaan sa Barangay Development Program.
Nauna nang tinutulan ng mga Senador ang dagdag na pondo ng NTF-ELCAC matapos madiskubre na sa 2,318 na mga proyekto, 26 pa lang dito ang natatapos.
Meanne Corvera