Pondo ng NTF-ELCAC, pinabubusisi sa COA

Pondo ng NTF-ELCAC, pinabubusisi sa COA

Pinakikilos ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang Commission on Audit para busisiin ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon sa Senador, aabot sa 40 billion ang nakalaang pondo sa anti-insurgency fund sa ilalim ng National Expenditures Program.

Sa impormasyon ni Drilon, dinoble pa umano ng Department of Budget and Management ang 16 billion pesos na inilaan ng Kongreso na ipinamahagi sa may 820 insurgency-free barangays.

Hinala ng Senador, giveway ito ng Malacañang para sa nalalapit na eleksyon.

Giit niya sa halip na para sa insurgency, ibigay ito sa may 4.2 milyong pamilyang nakararanas ng gurom at 3.73 milyong nawalan ng trabaho dahil sa Pandemya.

Nangangamba ang Senador na dumoble pa ang bilang ng nagugutom ngayong magpapatupad na naman ng dalawang linggong lockdown sa Metro Manila dahil sa Delta variant ng Covid-19..

Meanne Corvera

Please follow and like us: