Pondo ng Philhealth, mauubos na kung hindi nakakasuhan ang mga tiwaling opisyal – Senador Drilon

 

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat makasuhan ng katiwalian o paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices act ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ito’y sa ginawang pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Program at Overpricing ng Information Technology project na hindi pa nali-liquidate.

Iginiit ni Drilon na labag sa batas ang pagpasok sa anumang kontrata na agrabyado ang gobyerno lalo na ang advance payment sa mga Healthcare facility na walang kinalaman sa Covid.

Nangangamba si Drilon na hangga’t hindi nakakasuhan baka tuluyan nang malimas ang pondo ng ahensya.

Iginiit ng Senador na gaya ng sabi ng Pangulo wala ng pondo amg gobyerno para ibigay na subsidy sa Philhealth.

May basehan aniya ang pahayag ng isang opisyal na isang taon na lang ang maaring itagal ng pondo dahil unti -unti nang bumababa ang koleksyon dahil maraming kumpanya ang nagsara at maraming mangagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Hindi naman aniya maaring asahan ang isa pang source ng subsiby para sa Healthcare system na Tobacco excise tax dahil sa mas huminang consumption.

Senador Franklin Drilon:

“The premium payment will naturally go down. The source of the Philhealth subsidy is basically the excise tax on tobacco, which we crafted in 2012. as expected during the pandemic, the taxes on sin products will go down because of lack of consumption”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us: