Pondo para sa anti- insurgency, hindi tinanggal sa inaprubahang budget ng BICAM
Hindi tinanggal ng Senado at Kamara sa inaprubahang panukalang pondo para sa susunod na taon ang kinuwestyong pondo sa National task force to end local communist armed conflict.
Ang 19 billion sa NTF ELCAc ay pinatatanggal ng oposisyon at ipinalilipat pambili ng bakuna laban sa COVID – 19 sa pangambang magamit umano sa eleksyon.
Nauna na ring sumulat ang MAKABAYAN BLOC kay House speaker Lord Alan Velasco na i divert na lang sa ibang ahensya na mas nangangailangan ng pondo ang 19 billion sa NTC ELCAC.
Pero ayon kay Senator Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee, hindi nila ginalaw ang pondo dahil kailangan rin ng administrasyon na pondohan ito para paunlarin ang mga kanayunan.
Matindi rin aniya ang problema sa armed conflict na dapat solusyunan ng gobyerno.
Meanne Corvera