Pondo para sa insurgency pinatatanggal sa budget para may pambili ng bakuna laban sa COVID -19
Sa pinaka huling survey ng Social Weather Station noong setyembre, Umaabot na sa tinatayang 7.6 milyong mga pilipino ang nakakaranas ng gutom dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Naitala ito sa 30.7 percent kumpara sa 23.8 percent na hunger incident noong march 2012.
Ayon sa mga kinunan ng survey, kulang ang kanilang pagkain dahil marami rin ang nawalan ng trabaho at nagsarang kumpanya dahil sa pandemya.
Sa 2020 global hunger index, pang animnaput siyam na ang pilipinas sa 117 bansa na nakakaranas ng matinding gutom.
Ito ang dahilan kaya inilunsad ng gobyerno ang pilipinas kontra gutom.
Ayon kay Task Force Zero Hunger Chairman Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakipag partner ang gobyerno sa ibat ibang kumpanya at non government organizations para tulungan ang mga pamilyang nagugutom at masolusyunan ang child mortality.
Target aniya ng task force at mga katuwang na private organization na mamahagi ng isandaang libong food packs sa mga biktima ngayong disyembre.
Priority ng programa ang mga pamilyang may anak na limang taong gulang na batang malnourished at mga stunted.
Meanne Corvera