Pondo para sa konstruksyon ng mga kalsada sa Boracay, ilalabas na ng DBM

Ilalabas na ngayong linggo ng  Department of Budget and Management o DBM ang tinatayang 490 milyong pisong pondo para sa rehabilitasyon ng mga kalsada sa Boracay sa Aklan.

Sinabi ni Budget secretary Benjamin Diokno na inaprubahan ng Pangulo ang request ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Ayon kay Diokno, may nauna nang inaprubahang 50 million pesos para  sa Boracay Circumferential Road na nasa ilalim ng 2018 national budget habang ang 490 million ay augmentation fund para paspasan ang proyekto.

Kasama sa Boracay road rehabilitation project ang 12-meter widening plan na bahagi ng 5.2-kilometer road sa bayan ng Manoc-Manoc, Yapak, at Balabag at ang drainage and sewerage system ng isla.

Nauna nang sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar na target nilang matapos ang proyekto sa loob ng anim na buwan na sarado ang isla sa mga turista.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *