Pondo para sa libreng edukasyon sa kolehiyo, magagamit na – CHED
Magagamit na ng mga estudyante ang inilaang 8.3 billion pesos na pondo para sa programa ng pamahalaan sa libreng edukasyon sa kolehiyo.
Ayon kay CHED Commissioner Popoy de Vera, ang nasabing pondo ay pangtustos sa matrikula ng lahat ng undergraduates sa isang daang at labing tatlong (113) SUC’s sa buong bansa.
Dagdag pa ni de Vera, napirmahan na rin ang Implementing Rules and Regulations para sa 317 million pesos na pondo sa tuition fee ng medical students sa walong (8) SUC’s.
Kasabay nito, bibigyan din ng one-time five thousand pesos (₱5,000.00) financial assistance ang mga mag-aaral sa pribado at publikong paaralan na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.