Pondo para sa paghahanap ng lunas sa sakit na HIV-Aids, nais padagdagan ng isang Kongresista sa 2020 budget

Sa harap ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga may Human Immunodeficiency Virus and Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV-Aids sa buong mundo nanawagan ang isang Kongresista na paglaanan ng gobyerno ng mas malaking pondo ang anti-HIV-AIDS sa 2020 Budget.

Ayon kay KABAYAN Party-list REP. RON SALO, Deputy Majority Leader at Principal Author ng Universal Health Care Law At Philippine HIV-AIDS Policy Act, gagamitin ang nasabing pondo para sa paghahanap ng lunas sa sakit na HIV-AIDS.

Aniya, malaki ang gagampanang papel ng Filipino scientists, medical researchers, at health professionals sa pagsasaliksik ng gamot sa HIV-AIDs na magbibigay naman ng pag-asa sa mga taong may ganitong karamdaman.

Dahil dito, nananawagan siya sa Department of Health, Department of Budget and Management at National Economic and Development Authority na dagdagan at iprayoridad ang budget para sa HIV-Aids research at pagbibigay ng ayuda sa mga pasyente.

Batay sa datos ng UNAIDS, tinatayang nasa 36.9 million na tao ang may HIV-Aids noong 2017, mas mataas kumpara sa 36.7 million noong 2016.

Target umano ng unaids na piigilan ang paglaganap ng nasabing sakit ng 90 percent pagsapit ng taong 2020.

 

Ulat ni Eden Santos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *