Pondo sa Cyber security ng Department of National Defense, ipinapa-audit sa COA
Kinakalampag ni Senador Risa Hontiveros ang Commission on Audit (COA) na rebyuhin ang pondo para sa Cyber Security ng Department of National Defense (DND).
Ayon sa Senador, hindi malinaw kung saan napupunta ang 500 million na Cyber Security fund ng DND.
Ngayong 2020, may 500 million na pondo para dito ang DND habang 500 million rin ang kanilang hinihingi para sa 2021.
Una nang hinarang ni Hontiveros ang hinihinging budget ng DND para sa susunod na taon dahil sa kwestyonableng kasunduan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Dito Telecommunity Corporation na pag-aari ng China.
Nais ng Senador na makita muna ang Cyber security road map at alin sa internal at external threat ang prayoridad ng Sandatahang Lakas ng bansa.
Senador Risa Hontiveros:
“What we need to see from the DND is a Robust Cyber security roadmap that does assure us that our Armed Forces is more than ready for inevitable Cyber threats. At sa usapin ng Cyber security, ano ang prayoridad ng DND? ‘Internal’ threat na naman ba kesa ‘external’”?
Meanne Corvera