Poorest of the poor household sa lalawigan ng Bulacan binigyan ng DSWD ng libreng bigas alinsunod sa rice assitance program ni PBBM
Umabot sa tatlong libong mga mahihirap na pamilya ang binigyan ng tig-iisang cavan ng bigas na taga Calumpit, Paombong at Obando sa lalawigan ng Bulacan.
Sinabi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang ipinamahagi ng bigas ay bahagi ng 42,000 na sako ng bigas na kinumpiska ng Bureau of Customs o BOC sa Port of Zamboanga City na idinonate sa gobyerno.
Ayon sa DSWD magpapatuloy ang pagbibigay ng libreng bigas sa mga pinakamahirap na pamilya alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mayroong sapat na bigas na makakain ang bawat Pinoy.
Hindi naman titigil ang pamahalaan na hanapin ang mga bigas na itinatago ng mga smugglers at hoarders upang kumpiskahin at ibigay sa mga mahihirap na pamilya.
Inihayag ng DSWD na umabot na sa mahigit 23 thousand sako ng bigas ang naipamahagi ng DSWD sa ilalim ng free rice distribution program ng Pangulo para sa mga mahihirap na pamilya sa ibat-ibat-ibang panig ng bansa.
Vic Somintac