Populasyon ng mundo aabot na ng 9.8 billion pagdating ng 2050
Lolobo na sa 9.8 billion ang populasyon sa buong mundo pagsapit ng 2050.
Ayon sa United Nation, pagdating ng 2030 aabot na ang populasyon ng 8.6 billion, 9.8 billion sa 2050, at 11.2 billion pagdating ng 2100.
Malalagpasan din ng India na may populasyon na 1.3 billion ang populasyon ng China na 1.4 billion pagdating ng 2024.
Inaasahan ang bilang ng tao na may edad 60 ay tataas o dodoble rin pagdating ng 2050 at titriple pagdating ng 2100.
Ang bilang ng matatanda ay inaasahang tataas ng 962 million globally ngayon 2017 hangang 2.1 billion sa 2050 at 3.1 billion sa 2100.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
Please follow and like us: