Populasyon ng Pilipinas, lumobo pa sa 107 milyon ngayong 2018 – Popcom

 

Aabot na sa 107 milyon ang populasyon ng Pilipinas ngayong taon at patuloy pa itong nadaragdagan….

Ito ay dahil nasa halos 200 sanggol ang isinisilang kada isang oras sa loob  ng isang araw.

Katumbas ito ng 2 milyong taong nadaragdag sa populasyon  kada taon.

Dahil dito, patuloy na kumikilos ang Population Commission (Popcom) upang mapigilan ang paglobo pa ng populasyon.

Ayon kay Lydio Español, NCR Regional Director ng Popcom, alinsunsod sa direktiba ni Pangulong Duterte sa ilalim ng Executive Order no. 12,  dapat matugunan ng libre ang lahat ng nangangailangan ng family planning.

Partikular anilang pinagtutuunan ay ang pagpapaigting ng isinasagawa nilang family development sessions lalu na sa mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) at mga nasa depressed areas.

Dito itinuturo ang pagiging responsableng mga magulang at tamang pagpa-plano ng pamilya.

Bukod dito hindi rin dapat kalimutan na gawing requirement sa pagkuha ng marriage license ang pagdalo sa pre-marriage orientation at counseling.

Nagsasagawa rin aniya sila ng house-to-house visit upang matiyak na mapapaintindi sa bawat pamilya ang kahalagahan ng population control.

Ginagawa pa rin namin ang mga outreach missions. Pinupuntahan yung mga malalayong lugar , nagdadala kami ng isang team, may doktor, nurses. may midwives, barangay health workers para maabot sila dun sa mga libreng serbisyo. Sa mga Health centers naman nandun yung mga population volunteers kasama ang mga Barangay health workers. Sila naman ang nagbabahay-bahay. Naniniwala kami na ang pangunahing target audience dito sa Family planning program ay yung medyo naghihirap sa buhay kasi yung mga mahihirap sila pa yung marami ang anak”.

==================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *