Population protection dapat munang makamit bago ikunsidera ang Booster shot ng Covid-19 – DOH
Kailangan munang mabakunahan ang nasa 50 percent ng target population sa bansa bago simulan ang booster shot ng Covid-19 vaccines.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergerie, nangangahulugan aniya ng population protection ay nabakunahan na halos lahat ng vulnerable.
Sinabi pa ni Vergeire na inaasahang sa linggong ito ay magpapalabas ng rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) batay sa kanilang pagpupulong sa iba’t-ibang expert group.
Nakatakda ring pag-usapan ng task force ang pagbabakuna sa mga menor de edad matapos bigyan na ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration ang Moderna vaccines.
Pero nilinaw ni Vegeire na pinag-aaalan pa nila ang gagawing vaccination sa mga bata batay na rin sa magiging rekomendasyon ng mga health expert.