Population protection laban sa Covid-19 sa Metro Manila, malapit nang maabot- Malakanyang
Maitururing na abot kamay na ang population protection laban sa pandemya ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na halos 80 porsiyento na ng populasyon ng Metro Manila ay nakatanggap na ng anti-COVID-19 vaccine.
Ayon kay Roque sa sandaling maabot ng Metro Manila ang population protection laban sa COVID-19 ay lalo pang luluwagan ang mga patakaran na ipinatutupad alinsunod sa alert level system with granular lockdown basta sundin ang minimum health standard.
Inihayag ni Roque maganda ang mga datos na nakikita ng mga eksperto sa kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dahil bumababa na ang reproduction at attack rate ng Coronavirus matapos ipatupad ang mga mahigpit na community quarantine noong buwan ng Agosto hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre bago ipinatupad na bagong sistema na alert level with granular lockdown.
Niliwanag ni Roque magiging maganda ang pagtatapos ng 2021 kung patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila dahil tuluyan ng mabubuksan ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng ingat buhay para sa hanap buhay.
Vic Somintac