Pork barrel scam queen Janet Lim Napoles, isinailalim na sa Provisional coverage ng Witness protection program ng DOJ
Kinumpirma ng Department of Justice o DOJ na isinailalim na sa Provisional coverage ng Witness protection program ang tinaguriang Pork barrel scam Queen Janet Lim Napoles.
Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, nag-execute ng affidavit si Napoles na mailagay ito sa WPP.
Batay naman sa certification mula sa WPP na may lagda ni Program Director Ma. Merissa Molina-Carpio, epektibo noon pang February 27 ang provisional coverage sa WPP ni Napoles.
Kaugnay nito, naghain sa Sandiganbayan ang kampo ni Napoles ng urgent motion na mailipat ito sa kustodiya ng DOJ mula sa Camp Bagong Diwa.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: