Pork Producers Federation of the Philippines, nakikiusap na bawiin ang EO 128
Hinihiling ng Pork Federation of the Philippines (PFP) na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilabas na Executive Order 128,series of 2021, patungkol sa importasyon ng karneng baboy at pagbaba sa Taripa nito.
Sa panayam ng BaliTalakayan, sinabi ni Nicanor Briones, ang Vice-President ng asosasyon, walang kakulangan sa suplay ng karne at sa sinasabing 25 percent ang ibinaba ng suplay locally, ang dapat aniyang iangkat ay nasa 150,000 metric tons lamang at hindi 400 metric tons dahil ang katumbas nito ay nasa 8 milyong ulo ng baboy.
Sabi ni Briones, asahan na ang pagtigil ng mga Backyard raiser sa pag- aalaga ng baboy dahil sa kakulangan ng tulong sa kanila.
Julie Fernando