Pork products gaya ng ham kinumpiska sa Batangas port dahil sa banta ng ASF
Kinumpiska ng Bureau of Animal Industry sa Batangas Terminal ang lahat ng pork products na bitbit at pasalubong sana ng mga pasahero sa kanilang mga kamag anak sa mga probinsya.
Kabilang na rito ang mga hamon, pork barbeque at iba pang processed pork products.
Ayon kay Ronald Salva ng Bureau of Animal Industry hindi pa kasi inaalis ang ban sa pagpasok ng mga pork products luto man o hindi sa Mindoro, Marinduque,Rromblon at Palawan dahil sa banta ng African Swine Fever.
May umiiral aniyang ordinansa ang mga Local Government Units dahil nananatiling ASF free ang MIMAROPA.
Ang chicken naman maaring ipasok sa rehiyon pero kailangang luto na.
Kapag itlog at hilaw pa ang manok kailangang magpakita muna ng certification na ito ay walang bird flu.
Meanne Corvera