Posibleng pagkakaroon ng outbreak sa evacuation centers sa Marawi, ibinabala ng DOH

doh

Courtesy of Wikipedia.org

Mahigpit na mino-monitor ng Department of Health  ang posibilidad na magkaroon ng outbreak ng iba’t-ibang sakit sa mga evacuation center kung saan kasalukuyang nakatira ang mga residente ng Marawi City.

Sinabi ni Health Sec. Paulyn Jean Ubial na bantay-sarado ng ahensya ang mga residente sa loob ng 40 evacuation centers sa banta ng pagkaroon ng mga sakit tulad ng respiratory tract infection, diarrhea, at skin conditions gayundin ang tigdas at chickenpox.

Tiniyak din ng kalihim na mayroong sapat na medical supplies at manpower na tutulong sa mga evacuees.

Nagpadala na rin ang DOH ng mga doktor, nurses, at iba pang health workers sa Marawi City mula sa mga karatig na rehiyon kagaya ng Region XI at Caraga.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *