Posibleng paglabag ni VP Sara Duterte sa Anti-Terror Law, pinag-aaralan ng DOJ
Kinumpirma ni Justice Undersecretary Jessie Hermogenes Andres, Jr., na ang isa sa mga kaso na maaaring nalabag ni Vice President Sara Duterte sa pagbabanta nito sa buhay ng pangulo ay ang Anti – Terrorism Law.
Sinabi ni Andres na alinsunod sa nasabing batas, kapag ang isang tao ay gumawa ng mga hakbang para bantaan o pinsalain ang buhay ng ibang tao ay maituturing itong terorismo.
Ito ay lalo na aniya kung ang layunin nito ay para lumikha ng takot at intimidasyon.
Giit pa ni Andres, isang usapin ng pambansang seguridad ang banta sa buhay ng presidente dahil ito ay pagbabanta rin sa taumbayan na naghalal dito.
Aniya, “One of the acts defined there as punishable in section 4 of terrorism law, when one engages in acts intended to cause death or serious bodily injury to any person or endangers any persons life. The work of the president will be impeded by this serious death threat, it has to be quelled at its inception. Siya po ay representante ng bawat tao, bawat Pilipino, kaya po ang anumang bagay na ginagawa laban sa pangulo ay ginagawa rin po sa lahat ng Pilipino. A threat to the president is a threat to every Filipino.”
Moira Encina-Cruz