Posibleng rollback sa presyo ng langis, asahan – DOE
Tinataya ng Department of Energy (DOE) ang panibagong rollback sa pump price ng produktong petrolyo.
Batay sa unang 4-araw ng trading sa Mean of Platts Singapore, sinabi ni Director 3 Rodela Romero ng DOE Oil Industry Management Bureau na makakaranas ng tapyas sa presyo ang produktong petrolyo kahit pa nagpapatuloy pa ang Israel-Hamas conflict.
Pangunahing dahilan sa posibleng rollback ang bumababang demand at karagdagang produksyon ng krudo ng Estados Unidos at Oil Producing Exporting Countries (OPEC).
Sinabi ni Romero na potensiyal na mabawasan ng mula P0.40-P0.50 kada litro ang gasoline, P1-P1.35 per liter sa diesel, at P0.80-P1.35 kada litro sa kerosene
Weng dela Fuente