Posisyon ng gobyerno sa ICC, hindi nagbabago ayon sa OSG
Nanindigan ang Office of the Solicitor General (OSG) na hindi maaapektuhan ng ihip ng politika ang posisyon ng Republika ng Pilipinas ukol sa isyu ng International Criminal Court (ICC).
Sa harap ito ng isyu ng pagtrato ng Marcos Government sa imbestigasiyon ng ICC sa giyera kontra droga at sa alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang pag-iisyu ng warrant of arrest ng ICC ay nakadepende sa pagtimbang nito kung may sapat na batayan ang kaso.
Iginiit din ni Guevarra na dapat ay patas ang imbestigasyon sa mga ebidensiya ng ICC prosecutor sa ilalim ng Rome Statute.
Aniya, maaari namang magpalabas ng arrest order ang ICC pero ang implementasyon nito sa bansa ay nakadepende sa kooperasyon ng gobyerno ng Pilipinas.
Moira Encina