Posisyon ng mga grupong tutol sa Charter Change igagalang ng Senado
Iginagalang ni Senador Robin Padilla ang posisyon ng mga grupong tutol sa anumang pag – amyenda ng saligang batas.
Sa harap ito ng mga protesta laban sa ChaCha sa pangambang maging alipin na naman angga pilipino ng mga dayuhang mamumuhunan na papasok sa bansa.
Pero pagtiyak ni Padilla na Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments, hindi papayagan ng Senado na maging alipin na naman ng mga dayuhan ang mga kapwa pilipino.
Paglilinaw niya pinag- uusapan ang amyenda sa economic provisions para pumasok ang mas maraming investment pero hindi para sikilin ang kalayaan at karapatan ng mga pilipino.
Iginiit din ni Padilla na dapat kumbinsihin ang mga pilipino na suportahan ang prosesong ito dahil makabubuti ito sa kasalukuyan at mga susunod na henerasyon.
Meanne Corvera