Post Office, maglalabas ng bagong selyo para sa ika-125 taon ng pagiging martir ni Rizal

Photo: philpost.gov.ph

Mag-iisyu ng bagong postage stamp ang Philippine Post Office sa DEcember 30, bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng pagiging martir ni Dr. Jose P. Rizal na ang magiging tema ngayong taon ay “Rizal: Para sa Agham, Katotohanan at Buhay”.

Si Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas at ipinagmamalaki ng lahing Malayan, ay isinilang noong Hunyo 19, 1861, sa bayan ng Calamba, Laguna.

Siya ay isang napakahusay na mag-aaral at nanalo sa mga patimpalak sa panitikan mula sa murang edad.

Si Rizal ay isang multifaceted intellectual na kilala sa kanyang dalawang sikat na nobela, ang Noli Me Tángere at El Filibusterismo, na nagbigay inspirasyon sa rebolusyong Pilipino.

Ang selyo ay maglalarawan sa kanyang buhay, mga gawa, at kabayanihan at itatampok ang kanyang likas na pagmamahal at simpatiya sa sambayanang Pilipino at sa bayan.

Hinahangaan din si Rizal sa kaniyang talino bilang isang doktor, siyentipiko, at linggwista.

Sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela ay ginising niya ang nasyonalismo sa mga Filipino, habang ang kaniyang kamatayan naman ang nagbunsod sa isang rebolusyon upang matigil na ang kolonyal na panunupil.

Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio . . . “Filipino talents and ingenuity should be recognized around the world. Rizal’s sheer determination to achieve his goals to succeed should serve as an inspiration to Filipinos, especially the youth. Therefore, we should emulate the traits and ideas of our national hero. The post office is now recognizing the talent and industry of the Filipinos here and abroad in pursuit of excellence and distinction in their work or profession by issuing stamps to honor artists, sports personalities, musicians and scientists, as well as other national and international figures, both living and posthumously.”

Sinabi ni Fulgencio na mainam na maitampok ang lahat ng mga Pilipinong maipagmamalaki ng Pilipinas at malaki ang naiambag sa kaligayahan at inspirasyon ng bayan.

Ang PHLpost ay nag-limbag ng 40,000 kopya ng selyo, na dinisenyo ng kanilang in-house graphic artists na si Israel A. Viyo at Eunice Dabu. Ipagbibili ito sa halagang dose pesos bawat piraso.

Mabibili na rin ngayon sa Manila Central Post Office ang Stamps and Official First Day Covers.

Please follow and like us: