Postponement ng 2022 Barangay at SK elections may basehan ayon sa isang senador

Photo courtesy of pna.gov.ph

Iginagalang ni Senador Imee Marcos ang desisyon ng Korte Suprema, na ideklarang unconstitutional ang pagpapaliban ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections noong 2022 at pagtatakda nito sa Oktubre ngayong taon.

Kinikilala rin daw ng senador ang separation of powers sa pagitan ng lehislatura at hudikatura pero paliwanag ni Marcos, may basehan bakit ipinagpaliban ng kongreso ang halalan

Sinabi ng mambabatas na kailangan ang sapat na panahon ng barangay at SK officials para ipatupad ang mga programa na na-antala dahil sa pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Nagsilbi aniyang frontliners sa panahon ng pandemya ang mga baranggay at sk officials, at sila rin ang direktang tumutugon sa panahon ng kalamidad.

Dahil sa dami ng kanilang obligasyon kulang ang panahon para magpatupad ng kanilang sariling mga programa.

Ito rin ang tinukoy niyang dahilan kaya inihain nya ang panukalang gawing anim na taon na ang termino ng mga brgy at SK officials.

Sa pamamagitan rin aniya ng pagpapalawig sa termino ng mga opisyal makatitipid ang gobyerno ng bilyun-bilyong piso.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *