Poultry farmers, posibleng makabawi na sa Oktubre sa problemang idinulot ng bird flu
Sa Oktubre target na ng mga nasa industriya ng pagmamanok sa bansa na makabawi matapos ang pagkakaroon ng kaso ng bird flu.
Ayon kay Engr. Rosendo So, pinuno ng Samahan ng Industriya ng Agricultura o (SINAG) at founding chairman ng Abono Partylist, kahit papasok na ang ‘ber’ months na hudyat na sana ng pagtaas ng demand, ay magsisimula pa lamang sa Setyembre ang pagbangon ng mga tindera ng manok mula sa epekto ng avian flu o bird
Inihayag ni Engr. So na posibleng sa Oktubre pa unti-unting makabawi ang mga chicken raisers.
Bagaman, depende pa rin aniya ito sa magiging hakbang ng gobyerno sa kaso ng avian flu.
Please follow and like us: