Poultry farms na apektado ng bird flu virus pinabibigyan ng ayuda sa DTI at DA
Kinakalampag ni Senador Nancy Binay ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na bigyan ng ayuda ang mga poultry farm na apektado ng bird flu o avian influenza.
Ayon kay Binay, habang hindi pa nakakatitiyak na ligtas ang pag-aalaga ng manok, dapat bigyan muna sila ng alternatibong pagkakakitaan at maibangon ang kanilang kabuhayan.
Dapat rin aniyang masusing i-monitor ang mga palengke at iba pang distribution sites ng mga manok at mga poultry product para matiyak na hindi magagamit ang virus para makapanamantala ang mga abusadong negosyante.
Sa ngayon, mahalaga aniya ang kooperasyon ng ibat-ibang sektor lalo na sa pagpapaigting ng information campaign at matiyak na hindi kakalat ang virus sa mga tao.
Ulat ni: Mean Corvera