Power grid at mga eskuwelahan, nagshutdown dahil sa union strike sa Nigeria
Isinara ng mga unyon ng manggagawa sa Nigeria ang national power grid at ginulo ang mga flight, nang maglunsad sila ng welgang walang katiyakan kung kailan matatapos, na nagbunsod ng pagsasara ng mga paaralan at pampublikong tanggapan matapos mabigong maabot ang isang bagong minimum na kasunduan sa sahod sa gobyerno.
Nahaharap ngayon ang pinakamataong bansa sa Africa, sa pinakamatindi nitong cost-of-living crisis sa isang henerasyon, kung saan nakararanas sila ngayon ng double-digit infaltion sanhi upang maraming Nigerians ang nahihirapang makabili ng pagkain.
Sinabi ng dalawang pangunahing unyon, ang Nigeria Labour Congress (NLC) at ang Trade Union Congress (TUC), na hinimok nila ang mga manggagawa na magwelga nang tumanggi ang gobyerno na taasan ang alok na minimum na sahod nito nang higit sa 60,000 naira ($40) kada buwan.
The strike stranded passengers at Abuja’s Nnamdi Azikiwe International Airport / Kola Sulaimon / AFP
Ang kasalukuyang minimum monthly wage ay 30,000 naira, at ayon sa NLC, nananawagan silang itaas ang minimum wage sa 494,000 naira.
Kasunod nang nabigong pag-uusap, naglabas ng pahayag ang gobyerno na nagsasabing committed ito sa isang National Minimum Wage na mas mataas kaysa N60,000, at ang magkabilang panig ay araw-araw na magpupulong simula sa susunod na linggo, upang maabot ang isang kasunduan tungkol sa isyu.
Naglathala rin ang presidency ng isang apela sa social media platform na X para sa mga unyon, na ipagpatuloy ang pakikipagnegosasyon sa gobyerno.
Nagsara ang government buildings, petrol stations at mga korte sa Abuja, kabisera ng Nigeria, habang isinara rin ang mga pintuan ng paliparan sa siyudad, sanhi upang magkaroon ng mahabang pila sa labas.
Ayon sa 53-anyos na government administration worker sa Abuja, “Today we didn’t do anything at the office, it was virtually empty. Everything is at a standstill, there’s no light at my house and very few gas stations are selling fuel.”
Sinabi naman ng team spokesman ng Super Eagles football squad ng Nigeria, “Eight members, including winger Ademola Lookman, were stranded by the airline disruptions and could not make a World Cup qualifier training session.”
Nigeria’s Federal Secretariat in Abuja was deserted after unions began an indefinite strike / Kola Sulaimon / AFP
Sa economic capital na Lagos, ay nagkaroon din ng epekto ang welga, kung saan nagsara ang mga eskuwelahan habang ang mga empleyado ay nagpiket sa labas ng isang courthouse na ang mga gate ay naka-padlock.
Sa isang joint statement ng mga unyon ay nakasaad, “Nigeria workers stay at home. Yes! To a living wage. No! To a starvation wage!”
Ipinoprotesta rin ng mga ito ang electricity tariff hike at nagkaroon ng malawakang blackouts, makaraang sabihin ng Transmission Company ng Nigeria, na sinabi ng mga manggagawa na magdamag nilang isinara ang national grid.
Inabisuhan ng United Nigeria Airline ang mga customer na sarado ang mga paliparan sa magkabilang panig ng bansa dahil sa welga.
Sa isang pahayag sa X, nagbabala rin ang Nigerian carrier na Air Peace tungkol sa disruptions at posibleng kanselasyon sa buo nilang network.
Simula nang maupo sa puwesto isang taon na ang nakalilipas, ay itinigil na ni President Bola Ahmed Tinubu ang fuel subsidy at currency controls, na nagbunsod upang trumiple ang halaga ng petroleum products at tumaas ang “cost of living” matapos na bumagsak ang halaga ng naira kontra dolyar.
Nanawagan si Tinubu sa mga mamamayan na habaan pa ang pasensiya at bigyan ng daan na magkabisa ang reporma, sa pagsasabing makatutulong ito upang makahikayat ng foreign investment, subalit ang hakbang ay lubhang nakaapekto ng labis sa Nigerians.
Students wait outside their Government Science Secondary School in the capital after unions launched an indefinite strike for a higher minimum wage / Kola Sulaimon / AFP
Sinabi ng civil society activist na si Veteran Chi, “Workers are finding it very stressful and demoralising. It’s really tough and people can’t buy anything.”
Isang source naman na malapit sa Federal Airports Authority of Nigeria (FAAN), ang nagsabi na kinansela ang domestic flights at isasara ang paliparan para sa lahat ng flights ngayong Martes.
Sa joint statement ng airport workers’ unions ay nakasaad, “We are withdrawing all services from Tuesday to allow international flights already airborne to land before their full action begins. All aviation workers should recognise the seriousness of this struggle and comply unfailingly. All branch officers of our unions shall ensure compliance at all airports.”
Dinagdagan naman ang seguridad, sa pamamagitan ng presensiya ng mga sundalo sa mga lansangan ng Abuja.
Sa labas ng Federal Secretariat, na kinaroroonan ng ilang ministries, hinimok ng mga nagpi-piket na union members ang mga empleyado na umuwi na.
Sa northern city ng Kano, ay sarado rin ang government offices at public schools.
Una nang sinabi ng mga unyon noong nakaraang Biyernes, “Nigerian workers, who are the backbone of our nation’s economy, deserve fair and decent wages that reflect the current economic realities.”
Ayon naman sa Presidential spokesman na si Ajuri Ngelale, “I agree that minimum wage was ‘unsustainably low’ but ‘pragmatic assessment’ was needed.”
Noong Pebrero ay libu-libong Nigerian din ang nag-rally laban sa tumataas na gastos sa pamumuhay, kahit na ang mga nakaraang welga ng unyon ay nagkaroon lamang ng limitadong epekto at turnout.