Power of the purse ng Kongreso, kinikilala ng COMELEC
Kinikilala ng Commission on Elections ang power of the purse ng Kongreso.
Gayunman, ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang poll body ang nag-iisang ahensya ng pamahalaan na naatasan para magsagawa ng halalan.
Ang pahayag ay ginawa ni Jimenez kasunod ng banta ng Senado na kaltasan ang kanilang pondo kapag hindi pinalawig ang panahon ng voter registration.
Ang magagawa lang aniya ng Comelec ayon kay Jimenez ay tuparin ang kanilang mandato na matiyak ang secure, accurate, at patas na eleksyon.
Ayon kay Jimenez, sa ngayon, hindi pa inaamyendahan ng Commission en banc ang desisyon nitong huwag palawigin ang September 30 deadline ng voter registration.
Matatandaang sa halip na pagbigyan ang mga panawagan noon para sa voter registration extension, pinalawig ng Comelec ang oras ng pagpaparehistro ng hanggang 7pm mula Lunes hanggang Byernes at hanggang 5pm naman sa araw ng Sabado at holidays sa mga lugar na nasa General Community Quarantine o MGCQ.
Habang sa mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine naman, ang pagpaparehistro ay mula 8am hanggang 5pm mula Lunes hanggang Sabado at maging sa araw ng Holidays.
Madz Moratillo