Prangkisa ng DITO,aprubado na sa 2nd reading ng Senado
Lumusot na sa Second reading sa Senado ang panukalang mabigyan ng panibagong dalawamput limang taong prangkisa ang Mindanao Islamic Telephone company o ang Dito Telecommunity Corporation.
Inaprubahan ng Senado ang House Bill 7332 na nagbibigay pahintulot sa dito para magtayo at mag install ng wireless telecommunications system sa Pilipinas.
Pero mahigpit na pinagbabawalan ang dito na iparenta, ibenta at ilipat ang inaaprubahang prangkisa.
Nag-introduce ng ilang amyenda ang Senado kung saan inoobliga dito na magbigay ng report sa Pangulo at Kongreso sa anumang data o information assistance na ibibigay sa kanilang ng anumang foreign government.
Pinagsusumite rin ito ng regular security audit bilang bahagi ng kanilang franchise requirements.
Pero sa deliberasyon sa panukala, Inamin ng sponsor nito na si Senador Grace Poe na hindi pa rin umano sigurado na walang mangyayaring leakage sa isyu ng national security.
Gaya sa ibang negosyo sinabi ng Senador na may tyansa pa ring maikompromiso ang ilang mga security information.
Nangangamba kasi ang ilang senador na magamit ng ilang Chinese investors ang kumpanya para sa paniniktik at surveillance sa national security ng bansa lalo na at ilang tower nito ang sinasabing itatayo sa property na pag- aari ng sandatahang lakas.
Pero tiniyak ni Poe na sapat ang mga inilatag na guidelines ng kongreso bago aprubahan ang prangkisa.
Katunayan, may kapangyarihan aniya ang Gobyerno na i- shutdown ang kumpanya kapag nagkaroon ng paglabag sa franchise agreement at na ikompromiso ang national security ng bansa.
Meanne Corvera