Prangkisa ng SMNI , pinawalang bisa na ng Kamara
Inaprubahan ng House Committee on Legislative Franchises ang House Bill 9710 o panukalang i-revoke o bawiin ang legislative franchise ng Swara Sug Media Corporation na nag-ooperate sa business name na Sonshine Media Network International (SMNI).
Una rito, nagmosyon si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, na Vice Chairman ng komite.
Sa botohan, walang tumutol sa mosyon.
Pansamantalang nagbreak ang hearing kanina, para ihanda ang Committee report.
Kinalauna’y inaprubahan na rin ang Draft Committee Report.
Una nang inakusahan ang SMNI na lumabag sa prangkisa nito,.
Bukod dito, may alegasyon na nagpapakalat ng fake news ang SMNI, gaya ng alegasyon sa P1.8 billion travel funds ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mariing itinanggi ng Kamara.
Vic Somintac