PRC, Iginiit na legal ang transaksyon nito sa philhealth
Umalma ang Philippine red cross sa mga paratang na katiwalian sa pinasok nitong kasunduan sa Philippine health insurance corporation o PHILHEALTH para sa covid-19 testing program .
Sa isang statement na inilabas ng Board of Governors ng PRC, iginiit nitong walang iregularidad at anomalya sa naturang kasunduan.
Ang transaksyon anila ng PRC sa philhealth ay batay sa republic act 11469 Bayanihan law one kaya exempted ito sa Republic Act No. 9184, o ang Government Procurement Reform law.
Patutsada pa ng PRC, sana raw ay binasa muna ni Senator Leila de lima ang batas at ang memorandum of agreement ng prc at philhealth bago naglabas ng kaniyang mga paratang .
Nauna nang iginiit ni senador Leila de lima ang pagpapa-imbestiga sa prc partikular na kay senador Richard Gordon na Chairman ng PRC dahil sa umano’y conflict of interest nang tumanggap ng advance payment sa philhealth para sa covid 19 testing .
Meanne Corvera