PRC, nanindigang all accounted for ang lahat ng donasyon sa kanila ng gobyerno
Nanindigan ang Philippine Red Cross na accounted for ang lahat ng mga natanggap nilang donasyon mula sa gobyerno.
Ang pahayag ay ginawa ng PRC kasunod ng panibagong banat ni Pangulong Duterte kay Senator Richard Gordon at iginiit na isailalim sa audit ng Commission on Audit ang naturang humanitarian organization at nagbantang ititigil ang lahat ng government transactions.
Sa isang statement, sinabi ng PRC na transparent naman ang lahat ng kanilang dokumento at madali naman itong ilabas kung kakailanganin ng COA.
Nauna nang inakusahan ng Pangulo si Gordon na ginagamit umano ang pondo ng PRC para sa kaniyang kampanya na itinanggi naman ni Gordon.
Ayon sa Senador, panibagong distraction lang ito ng Pangulo sa ginagawa nilang imbestigasyon sa nabuking na umano’y anomalya sa biniling medical supplies.
Ayon sa Senador, hindi sila magpapatinag sa anumang banta ng Pangulo.
Katunayan, tuloy ang imbestigasyon ng Senado sa isyu.
Meanne Corvera