Pre-condition ni Pangulong Duterte dapat na masunod bago muling buksan ang Usapang Pangkapayapaan sa mga rebeldeng Komunista-Malakanyang
Dapat na masunod ang mga kondisyon na inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte para muling buksan sng usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng Komunista.
Sinabi ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra ang muling pagbubukas ng Usapang Pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista ay kahayagan lamang na hindi tuluyang isinasara ng Pangulo ang pintuan para maisulong ang peace process sa mga makakaliwang grupo sa kabila na idineklara na sila ng Pangulo na isang terrorist group.
Ayon kay Guevarra, malinaw ang mga kondisyon na inilatag ng Pangulo sa mga rebeldeng kumunista na bago muling buksan ang usapang pangkapayapaan dapat mayroong Ceasefire o tigil putukan at itigil ang paniningil ng Revolutionary tax.
Nagdesisyon ang Pangulo na bigyan pa ng huling pagkakataon ang usapang pangkapayapaan sa mga relbeldeng kumunista upang matigil na ang kanilang pakikibaka sa gobyerno na tumagal na ng 49 na taon.
Ulat ni Vic Somintac