Preliminary conference sa poll protest ni dating Sen. Bongbong Marcos iniurong ng Korte Suprema sa July 11
Ipinagpaliban ng Presidential Electoral Tribunal ang preliminary conference sa electoral protests nina Dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.
Iniurong ng Korte Suprema na umuupo bilang PET sa July 11 ang preliminary conference sa poll protest sa halip na June 21.
Kaugnay nito pinagsusumite ng PET sina Marcos at Robredo ng preliminary conference brief na maglalaman ng kanilang posisyon sa mga isyu sa protesta limang araw bago ang kumperensya.
Isa sa mga isyung tatalakayin sa preliminary conference ay ang pinakamabilis na paraan sa pagkuha at pagproseso ng mga ballot box at iba pang election document na kinukwestyon nina Marcos at Robredo.
Ulat ni: Moira Encina