Preliminary investigation ng DOJ sa kasong tax evasion laban sa Rappler Holdings Corporation, gumulong na…Maria Ressa at iba pang respondents hindi sumipot
Sinimulan na ng DOJ ang preliminary investigation sa reklamong tax evasion na inihain ng BIR laban sa Rappler Holdings Corporation.
No show naman sa unang pagdinig ang mga respondent sa kaso na sina RHC President Maria Ressa, treasurer na si James Bitanga at Certified public accountant na si Noel Baladiang ng R.G. Manabat and Company.
Tanging ang mga abogado lamang ng tatlo ang humarap sa piskalya na humingi ng dagdag na panahon para makapagsumite ng kontra -salaysay.
itinakda naman ni State Prosecutor Zenamar Machacon-Caparros ang susunod na pagdinig at paghahain ng counter-affidavit sa May 7.
Kabuuang 133.84 million pesos ang tax liability na hinahabol ng BIR sa Rappler Holdings.
Ayon sa BIR, hindi nagbayad ang RAPPLER HOLDINGS ng Income Tax and Value Added Tax nang bumili ito ng coMmon shares mula sa Rappler Incorporated na umaabot sa 19.2-million pesos.
Nag-isyu rin anila at nagbenta ang RHC ng Philippine Depository Receipts sa dalawang foreign juridical entities SA KABUUANG 181.6-million pesos.
Pero ang Annuan ITR at Vat returns na inihain ng RHC sa BOR noong 2015 ay hindi ipinapakita na nagbayad ito ng buwis para sa kinita nito sa Philippine Depository transactions.
Ulat ni Moira Encina