President Elect Bongbong Marcos Jr., naiproklama na
Naiproklama na si President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bilang ika-labimpitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Batay sa official tabulation ng National Board of Canvassers, nakakuha si Pangulong BBM ng 31,629, 783 votes .
Sa edad na 23 ay naging Vice governor si Marcos sa Ilocos norte noong 1980 at naging gobernador noong 1983 .
Noong 1998 ay nahalal muli bilang gobernador ng nasabing lalawigan.
Taong 2007 hanggang 2010 ay naging kinatawan muli ng ikalawang distrito ng ilocos norte at nahalal bilang Senador sa ilalim ng Nacionalista party mula 2010 hanggang 2016.
Tumakbong bise presidente noong 2016 elections ngunit nabigong makaupo.
Photo courtesy : Senator Imee Marcos
Ngayong 2022 elections, standard bearer ng partido Federal ng Pilipinas at frontrunner presidential candidate dahil laging una sa survey si BBM.