President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. bukas sa ideyang gawing optional na lang ang pagsusuot ng face mask
Inihayag ni Presidential Adviser on Entrepeneurship Joey Concepcion na bukas si President elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa usapin na may kinalaman sa posibleng gawing optional ang pagsusuot ng face mask.
Sa Laging Handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Concepcion na nagkausap na sila ni Marcos at isa sa natalakay ang ukol sa gawing optional ang pagsusuot ng face mask.
Inihayag ni Concepcion pagdating sa outdoor ay pabor ang mga negosyante na optional ang pagsusuot ng face mask subalit sa indoor ay compulsory parin ang pagsusuot ng face mask para magkaroon parin ng proteksiyon laban sa COVID-19.
Inihayag ni Concepcion na ang patakaran ng outgoing administration ni Pangulong Rodrigo Duterte na compulsory ang pagsusuot ng face mask ay maaaring baguhin ng bagong administrasyon.
Vic Somintac