Presidential bet at Senador Lacson, mabilis na nakaboto sa Imus, Cavite
Tumagal lang ng halos dalawang minuto ang pagboto ni Senador Ping Lacson sa kanyang presinto sa bayan Luma Elementary School sa Imus Cavite.
Mabilis lang ang proseso at wala ng nangyaring hanapan ng mga pangalan.
Ayon kay Lacson, tila nabunutan na siya ngayon ng tinik sa dibdib at tatanggapin niya anuman ang magiging resulta.
Sana raw ganito rin ang maging pagtanggap ng kaniyang mga kapwa kandidato.
Kasabay ng pagdaraos ng halalan umaasa siya na ililibing na rin sa limot ng kanyang mga kapwa kandidato ang anumang galit o poot at pag-atake sa kanilang nakatunggali dahil tapos na ang kampanya at igalang anuman ang magiging pasya ng ating mga kababayan.
Hinimok niya ang mga ito na magmove on at magkaisa para sabay sabay na ibangon ang bansa.
Dalawa lang ang nakikita niyang kahihinatnan ng halalan ngayon ang napunta sa Malacañang at umuwi ng bahay.
Kung hindi raw siya papalarin sinabi ng Senador tatanggapin niya itong maluwag sa kalooban.
Babalik na lang daw siya sa farming at i e-enjoy ang kaniyang pagreretiro sa pulitika.
Meanne Corvera