Presidential immunity hindi na maaring depensa ng Pangulo para lumusot sa mga kaso ng EJK

digong2

Hindi na maaring lusutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasong isasampa laban sa kaniya kaugnay  ng pagpatay na may kinalaman sa droga.

Kasunod ito ng rebelasyon ni SPO3 Arturo Lascanas na si Pangulong Duterte umano ang nagpapatay ng mga kriminal sa Davao sa ilalim ng Davao Death Squad o DDS.

Ayon kay Senadora Leila de Lima, hindi na maaring gamitin ng Pangulo ngayon ang kaniyang Presidential immunity.

Nakasaad aniya sa saligang batas na mass murder, extra judicial killing, at crime against humanity  ay maituturing na high crime na isa sa mga grounds ng impeachment.

“This can certainly be a basis for impeachment—high crimes,other high crimes…’Yung mga killings ngayon na DDS style, Pangulo na po siya. These are murders, extrajudicial killings, mass murders, crimes against humanity, in other words, high crimes one of the grounds for impeachment aside from culpable violation of the Constitution is ‘other high crimes”. –de Lima

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: